2 Pinoy mangingisda, nagtamo pinsala katawan bunsod pagsabog ng makina ng bangka

Sulyap Bayan Correspondents
2 min readJul 16, 2024

--

Ni Audrey Lex Bago

The image is from the official Facebook page of the Philippine Coast Guard."

Nagtamo ng second degree burn sa buong katawan ang dalawa sa walong Pilipinong mangingisda matapos sumabog ang makina ng kanilang bangkang ginagamit sa pangingisda malapit sa Bajo de Masinloc bandang alas-dos ng hapon noong Sabado, June 29.

Sa press release na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo sa kanilang facebook page, sinabi nila na agad nilang inatasang magtungo sa pinangyarihan ng insidente ang BRP Sindangan o MRRV-4407 na nagpapatrolya noong mga oras na iyon, upang magsagawa ng rescue operation.

Kasama sa lulan ng naturang barko ng PCG ang mga Coast Guard nurses na nagbigay ng paunang lunas at tulong medikal sa mga mangingisdang sakay ng Filipino Fishing Boat (FFB) ‘Akio’, partikular sa dalawang nalapnos ang balat.

Sinabi rin ng PCG na nagbigay sila ng tubig at mga pagkain sa mga biktima habang sakay ng barko.

Base sa ulat ni Giselle Ombay sa GMA Integrated News, inihayag ng tagapagsalita ng PCG na si Rear Admiral Armand Balilo na ayon sa kapitan ng BRP Sindangan, ang itinuturo daw dahilan ng mga mangingisda sa pagsabog ng makina ay depektibong baterya ng motor.

“During the operation, our vessel received radio challenges, as well as encountered shadowing and initial blocking by China Coast Guard (CCG) and People's Liberation Army (PLA) Navy ships,” saad ni Balilo.

Ayon pa sa kaniya, huminto lamang ang CCG at PLA sa pagharang nang sila ay timbrehan at mapaliwanagan patungkol sa nagyayaring rescue operations bunsod ng naturang pagsabog.

“In times of emergencies, the safety of life should always be our priority. The PCG and CCG communicated in a diplomatic manner and set aside issues on sovereignty, in the spirit of humanitarianism," paglalahad ni Balilo sa kanilang press release.

Sa ulat ni Jonathan Andal sa 24 Oras, iginiit din Balilo na nag-alok ng tulong ang CCG at magpapadala ng rigid hull inflatable boats upang makatulong sa rescue operation. Gayunpaman, hindi na raw nagpasaklolo ang mga mangingisda dahil batid nilang paparating na ang saklolo mula sa PCG.

Samantala, ang FFB 'Akio' ay nasa ligtas na lugar at inaasahan naman ang pagdaong ng BRP Sindangan sa unang araw ng Hulyo sa Subic, Zambales.

###

NOTE: This news was initially published on June 30, 2024, on our original website, Sulyap Sa Bayan Media, and is now being republished on our new website - Sulyap Bayan Correspondents - to serve as a reference and remain accessible to the public.

We emphasize that no information has been altered or edited in this news article.

Sign up to discover human stories that deepen your understanding of the world.

Free

Distraction-free reading. No ads.

Organize your knowledge with lists and highlights.

Tell your story. Find your audience.

Membership

Read member-only stories

Support writers you read most

Earn money for your writing

Listen to audio narrations

Read offline with the Medium app

--

--

No responses yet

Write a response